Posted by: tukmol | April 29, 2008

Patawa ka tukmoL [11]

God answered his prayers
Nahuli ng titser na may kodigo sa exam ang pupil.
Teacher: Bakit may nakatagong papel sa kamay mo?
Pupil: Mam, prayers ko lang po yan.
Teacher: Bakit may mga sagot dito?
Pupil: Naku, sinagot na ang prayers ko!

________________________________

Graduate na
Matapos ang dalawang taon na pag-aaral sa Manila ay masayang
umuwi ang anak sa kanilang probinsiya.
Son: Itay, sa wakas natapos na rin ako sa pag-aaral.
Dad: Magaling anak! Ano bang tinapos mo?
Son: AB, Itay.
Dad: AB lang inabutan ka nang dalawang taon? Ako, isang taon lang,
tapos ko ang ABC hanggang XYZ!

________________________________

Mana sa Ama
Father: Musta exams nyo sa eskwela, mga anak?
Brother: Mabuti po. Nakakuha kami ni Dina ng 100%.
Father: Magaling! Nagmana kayo sa talino ko.
Sister: 60% po yung sa akin at 40% yung kay Kuya. (Ngeek!)

________________________________

French lesson naman
ashes – a vou
ballon – lo vou
car – re vou
cough – u vou
drug – sha vou
goodbye – ba vou
hazy – mala vou
naked – hu vou
pipe – tu vou
cute – a cou (joke lang po …hehehe)
_________________________________

Mahirap ang Math
Judy – Ang hirap ng math test natin kanina. Nahirapan ako sa mga tanong.
Jhigz – Madali lang ang mga tanong. Dun ako nahirapan sa mga sagot.

_________________________________

Girlfriend – Binabalaan kita, malapit nang dumating ang Daddy ko!
Boyfriend – Ha, e wala naman akong ginawang masama ah?
Girlfriend – Oo nga, kaya kung may binabalak ka gawin mo na.

__________________________________

REPORTER: Tita Cory, kung buhay si Ninoy ngayon, baka pangulo na siya.
CORY: Nakabilanggo siguro.
REPORTER: bakit naman po?
CORY: baka napatay na niya si Kris.

__________________________________

BETH: halata na ang tiyan mo. Bakit hindi pa kayo papakasal ng BF mo?
MARIA: ayaw ng pamilya niya eh.
BETH: sino may ayaw, tatay o Nanay?
MARIA: yung misis niya.

___________________________________

Young lady to the new parish priest:
LADY: Father, ang cute mo, bakit pumayag kang magpari?
PRIEST: Ayaw kasi pumayag ni mama na mag-MADRE ako!

___________________________________

Ama: Kumusta ang pag-aaral mo?
Anak: Nag-lesson at test po kami tungkol sa mga manok.
Ama: Ano, madali ba?
Anak: Chicken na chicken!
Ama: Anong grade mo?
Anak: Itlog po.

Pinoy Tambayan


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: