Posted by: tukmol | April 28, 2008

Ano ang dapat gawin kung tinatamad kang magtrabaho

Ano ang dapat gawin kung tinatamad kang magtrabaho
Huwag aabsent.

Huwag male-late.

Pagkaupo mo sa iyong lamesa, buksan isa-isa ang drawer at magkalkal. Kunwari ay may hinahanap.

Pagkatapos mong magkalkal, tumayo ka at tunguhin ang mga filing cabinet. Maghanap ka ng ipis.
Kung wala kang mahanap, tingnan mo ang iyong incoming & outgoing tray. Kalkalin at maghanap ng mga
natira sa iyong mga kinutkot kahapon. Huwag kakainin muli. Labag sa kagandahang asal. Kung
naglalaway ka sa mga iyon ay kunin mo ang nagamit mong tissue paper na nailagay mo sa iyong front
drawer at ipunas sa laway mo. Pagkatapos ay ilagay muli sa drawer. Maaari mo pang magamit iyon
bukas. Malaking katipiran sa iyo.

Kung biglang dumating ang iyong boss, hawakan kaagad ang telepono at magsalita. Kunwari ay
tinatanong ka ng iyong kausap tungkol sa mga dokumento. Sumagot ka ng “Oh! I am sorry but I will
bring that to your office immediately.” Kumuha kaagad ng kahit anong folder at magpaalam ng maayos
at buong giliw sa iyong boss. Lumabas ng nagmamadali.

Pumunta ka sa CR. Magsuklay. Tingnan mabuti ang sarili. Mag-retouch kung babae. Tingnan kung
baligtad ang underwear na naisuot at kung lalaki, maghilamos at basain ng konti ang buhok. Magtiris
ng mga taghiyawat. Magtagal ng mga limang minuto.

Pagkabalik mo sa iyong opisina, buksan ang computer. Hintaying matapos ang Auto Scan. Marami ring
minuto ang magugugol dito. Magbukas ng isang file… Isa pa… at isa pa uli…!!! Pumunta sa
ccmail, tingnan ang inbox kung may hindi pa nababasa. Magbasa. Kunwari ay bagong pasok ka lamang sa
Grade One.

Pagkatapos ay kunin ang mga dapat gawing report. Titigang mabuti. Pag-aralan ang klase ng papel na
ginamit. Bilangin kung ilang words ang nagamit.

Kung may tumawag sa telepono, kaagad sagutin. Huwag mong hayaang ibaba kaagad ng kausap.
Kumustahin. Tanungin tungkol sa mga National Issues katulad ng tungkol sa mga jokes kay Erap o kaya
ang pagkamatay ni Princess Di. Kumustahin din ang latest style ng kanyang damit pati na kung saan
nagpapa-manicure at pedicure. Huwag lalagpas ng isang oras ang pakikipag-usap. Magagalit ang iyong
boss.

Kung may report na tatapusin, tapusin ng eksakto sa deadline hour. Kung may ita-type, magtype ng 10
wpm.

Tunguhin ang mga file na inipon sa loob ng ilang araw. Ayusin isa-isa habang ini-imagine ang sarili
na sumasahod ng 15,000 pesos isang buwan. Huwag tatapusin. Magtira ng para sa ilang araw na gawain.

Palaging magtungo sa CR. Kunwari ay may LBM. Palagi ring bumisita sa ibang department,
makipagchikahan.

Huwag mong titingnan ang iyong relo habang ginagawa mo ang lahat ng nasa itaas. Kapag ginawa mo
iyon ay lalo kang maiinip. Hayaang mag-enjoy ang sarili sa iyong katamaran. Magugulat ka na lamang
na “time” na pala para umuwi.

Ayusin ang lamesa na para bang napakarami ng iyong trinabaho. At bago umuwi, dumaan ng CR. Tingnan
at hipuin ang mukha kung gaano kakapal. Huwag pansinin ang mga kasamahan na mula umaga ay tingin ng
tingin sa iyo. Hindi naman sila ang nagpapasuweldo.


Responses

  1. lol pwede kang maging scriptwriter sa pelikula. thanks for the laugh


Leave a Reply

Fill in your details below or click an icon to log in:

WordPress.com Logo

You are commenting using your WordPress.com account. Log Out / Change )

Twitter picture

You are commenting using your Twitter account. Log Out / Change )

Facebook photo

You are commenting using your Facebook account. Log Out / Change )

Google+ photo

You are commenting using your Google+ account. Log Out / Change )

Connecting to %s

Categories

%d bloggers like this: